THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, February 2, 2009

Sybil

During college when I was still a Sophomore, I bought a book, entitled Sybil.
Until now, i have never really read it, for some reason I didn't recognize until now.

I was scared of what I would read, knowing fully well, all of it is real. I'm scared reading the pain. I'm scared my imaginative mind would draw the picture of Sybil being abused by her schizophrenic mother. I'm scared that I would feel the pain.

Yun nga lang umiiyak iyong Nanay ko pati iyong mga kabarkada ko, hindi ko na kaya eh.
Madali akong umiyak, kahit nagbabasa lang ng libro basta nalungkot ako dun sa nabasa ko, naiiyak talaga ako, crybaby na kung crybaby.

Hanggang ngayon hindi ko pa din siya nababasa. Nakarating na ako sa Third Chapter pero parang ayaw ko ng ituloy, ewan. Mababasa ko din iyon, one of these days. pakonti-konti, oo, pero matatapos ko din. Pero syempre may mga kasamang iyak na iyon, dahil for sure iiyak ako.

Watch this video for a sneak peek of Sybil's life.
http://www.youtube.com/watch?v=m1_Z6-v4uT0

Thursday, January 22, 2009

Pinoy Fear Factor Stunt

Okay, I was watching Pinoy Fear Factor today, and when I saw the stunt,I froze.

Sa mga hindi nakakaalam, hindi ako marunong lumangoy, at takot ako makulong sa kabaong. At iyon ang stunt ngayon.

Kung sa akin ipapagawa iyon, magpapanic na ako, pagka-upo ko pa lang doon sa kabaong. Mag-hyperventilate na agad ako, at hindi na talaga ako makakahinga kahit wala pang nakatakip.

Nagsimula akong matakot sa kabaong noong Kinder ako. Mahilig ang lolo ko sa mga pelikula ni FPJ, (sino bang hindi?). Hindi ko na maalala iyong title, pero iyong scene na nakita ko ay iyong kinulong ni FPJ iyong kalaban nya sa kabaong sa apartment-type na libangan sa isang public na sementeryo. Kung hindi ako nagkakamali, si Paquito Diaz ung kinulong nya.

Ayon, un na un. Naiisip ko na hindi ako makakahinga dun.

Wala lang, share lang....

Friday, December 19, 2008

88

88.

Iyan ang nakuha kong grade noong nag-exam kami ng Pharmacology noong Two-Weeks Orientation namin with Ma'am Charisse as Apprentices.

Masaya ako, dahil ang passing grade ay 85. Ibig sabihin, pwede na akong magbigay ng mga gamot, oral man or IV.

Hindi ako masaya dahil nasa Pediatrics na ako ngayon, at iyong exam na iyon ay para sa mga adults. Ibig sabihin, warm-up iyong exam na iyon, disregarded na siya.
Hayyyyy...

Anyways, nagkaroon na kami ng Pharmacology exam sa Pediatrics, Pre-test noong Tuesday at Post-test naman noong Wednesday. At ang passing rate, 90. kamusta naman iyon.

Iyong Pretest, dinugo ako.
Iyong Post-test, natuyo ang utak ko.

Good luck na lang talaga...

Thursday, October 30, 2008

Phrases, then and now...

Sa dami ng mga expressions na mga naririnig ko, nakakaloka na, dahil laging may bago. Sabi nga ni Sir Ken (staff s MW) dapat inventive ka ng mga bagong words/phrases para hindi halata ng mga patients o kaya ng mga relatives, or ng kahit na sino ang pinag-uusapan ninyo.

PHRASES NA GAMIT NA NOON HANGGANG NGAYON:

  • "I did my best, but I guess my best wasn't good enough." --> ginagamit kapag ginawa mo na ang lahat pero kulang pa din...
  • "chuva" --> could mean anything and everything under the sun
PHRASES NEWLY-LEARNED:
  • "I gave my all but I think my all may have been too much." --> ang masasabi mo na lang kapag ginawa mo na lahat ng paraan na alam mo, nagtanong sa lahat ng pwedeng pagtanungan, at binasa nag lahat ng libro na available, pero hindi pa rin yon sapat...
  • "attitudinal" --> ang tawag sa mga taong hindi masyadong maganda ang ugali; kadalasang ginagamit sa mga taong demanding
  • "GIG" --> galing kay Sir Anton, which means God Is Good
more to follow....

Friday, September 26, 2008

An eventful week

This week, a lot has happened. I dealt with it fairly, I think. I learned something at the end of each day. I'll give you a summary.

MONDAY: I learned what I hate in a person the most. Noong high school, kapag tinatanong ako kung ano ang pinaka-ayaw ko sa isang tao, ang isasagot ko sa iyo ay iyong mayabang o iyong maarte. Pero ngayon iba na ang isasagot ko sa iyo. Ang pinaka-ayaw ko ay iyong tumatakas sa problema. Ang problema hinaharap, hindi tinatakbuhan. Dahil hind iyan nawawala, lalo lang lumalala.

TUESDAY: I learned that life is not easy at all. You have to strive hard, and you have to respect people, whatever happens.

WEDNESDAY: I learned that patients are to be treated as your friends, and at the same time, you still treat them as individuals whom you barely know. Mahirap at magulo isipin, pero kailangan gawin iyon dahil hindi mo magagawa ng maayos ang dapat mong gawin kong magiging malambot o kaya naman ay magiging matigas ka.

THURSDAY: I learned that life is short. This day, I saw a person deteriorate in front of me. I followed his case, from the time he was admitted, to the last breath he took. I monitored his condition from 7am to 2.35pm. The last time I talked to him was Tuesday, he was smiling and he was in a good mood.

FRIDAY: I learned that you will be rewarded for all the good things you have done, in due time.

Nagsimula ang linggo na ito nang hindi masyadong maganda, pero nagtapos siya ng maganda dahil alam ko na sa sarili ko, nag-mature na ako ng katiting...

Saturday, September 13, 2008

Apprentice for a month


On the 20th, I would be celebrating my first month as an apprentice.

During the duration of that month, I met a lot of people, both the good and the not-so-good.

And i have also met new friends, mainly my co-apprentices. We share all the joys and frustrations of being apprentices. We all have different experiences, and yet its the same thing, just different in circumstances.

Each day, we learn more.

And each day brings us closer to be staff nurses (our ultimate goal), which will be soon.

Wish us luck!!!!

Tuesday, August 19, 2008

MySpace

hey guys!!!

just made my MySpace account, for the lack of nothing to do...

make your own account and add me up!!!

or if you already have one, ADD ME UP!!!!!

www.myspace.com/angelkharenne

hoping to see you in the MySpace world!!!!!

Monday, August 18, 2008

I could be so lucky, lucky, lucky!!! I am so lucky with friends!!!!!

I'm in luck!!!
Super swerte ako...
Imagine, nagpunta na ako sa tsibugan sa bahay ng Tita ni Naz, (thanksgiving kumbaga kasi pareho sila ng tita niya na pumasa ng boards), at dalawang beses pa akong bumalik ha. so naturally, busog na ako, pero hindi pa rin.
Nagyaya si Millet sa Tri Mo Shawarma Co. sa Lagro kasi hindi pa daw niya natitikman iyong shawarma doon. sabi ko, "sige sama ako, pero libre ninyo ako", syempre joke lang iyon, dahil may dala naman akong pera noon kahit 100 lang (malay ko bang may food trip pala na mangyayari!). at nagyaya na ulit si Millet sa Starbucks, syempre sabi ko libre ulit nila.
Akalain mong tinotoo nga nila ni Rachelle!!!!
Nakakain na ako ulit ng shawarma (courtesy of Millet), at nakainom pa ako ng super-mahal na coffee sa Starbucks (courtesy of Rachelle), at pamasahe lang ang ginastus ko!!!!

Utang ang tawag doon actually, hindi libre... dahil lilibre ko din sila sa second sweldo ko... dahil sina Erick, Jac, Vera at Maya ung una kong sweldo...

thanks kay Naz at good luck!!!!!

hahahaha thanks din kina Rachelle at Millet!!!!! (sana may pictures pala noh?)